Panlahat na Layunin: Naipaliwanag ang mga batayan sa paghahating-heograpiya: Hilagang Asya, Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya at Kanlurang Asya.
Mga Tiyak na Layunin: 1. Nailarawan ang kinaroroonan, hugis, anyo, sukat at klima ng mga rehiyon sa Asya 2. Natukoy sa isang mapa ng Asya ang mga rehiyong bumubuo dito. 3. Naipagmalaki ang katangiang pisikal ng Asya.
Mga kaisipang Lilinangin: heograpiya kinarororonan lawak sukat hugis mga rehiyon yamang lupa yamang tubig
Paksa: Heograpiya ng Asya a. kinaroroonan ng Asya b. hugis at sukat c. mga rehiyon at bansang bumubuo sa Asya
Tunghayan ang pigura 1 para makita ang kbuuang sukat ng mga kontinente sa mundo gayundin ang para sa kalupaang sakop ng mga kontinente sa mundo. Magsagawa ng pag-aanalisa ng mga pigura upang maging gabay mo sa pagsagot ng mga pamprosesong tanong sa mga susunod na gawain.