|
Gawain 2: Pasyalan Natin!
Matapos ang unang gawain, atin namang lakbayin ang mga katangi-tanging lugar sa Asya. at alamin mo ang lebel ng iyong paunang pang-unawa ukol dito. Nasa kaliwa ang mga larawan ng mga lugar na ating lalakbayin at sa kahon sa ibaba nito ay isusulat mo ang mga sagot sa mga nakatalang katanungan hinggil sa larawan. Tukuyin mo ang bansang kinaroroonan nito. Handa ka na? Tayo na ! Mga Pamprosesong tanong: 1. Anoi ang masasabi mo sa mga larawan? Ilahad ang pagkakatulad ng mga ito. Ilan ang anyong lupa at ilan ang anyong tubig? 2 Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na mapasyalan ang isa sa mga ito, ano ang iyopng pipiliin? Bakit? 3. Batay sa mga larawang iyong namalas, paano mo ilalarawan ang katangian ng Asya bilang kontinente? Ano sa palagay mo ang humubog sa pagkakaiba-iba ng likas na katangian ng Asya bilang isang kapaligiran? Bigyan katwiran ang iyong sagot? 4. Pare-pareho kaya ang likas na kapaligiran sa iba't ibang panig ng Asya? Paano mo ito masasabi? 5. Masasabi mo bang ang mga anyo ng kalikasang ito ay gumaganap at patuloy na gumaganap ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga taong naninirahan sa mga bansang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot. |